What am I up to these days?
Had dinner with Peachy, Chee-Anne (and the husband-to-be), Dei and Au. Natawa lang ako sa comment na meron palang nagkaka-interest kung ano ang pinag-gagawa ko ngayon. Hindi naman daw sya affected (o ayaw pa-apekto?) pero interested lang daw sya malaman what am i up to these days.
Wala naman nagyayari sa akin, yun pa din...
Busy sa ADB - dalawa ang projects na hawak. Consultant chuvanes chenes ek-ek. Pareho intermittent. Meaning pagkatapos, wala na naman. Naloloka dahil grabe ang pressure pero at least may output and sigurado may outcome. Hindi pwede pumalpak dahil lagot ako sa nag-refer! [Hi Mama Dei :-)]
Teacher-teacher-an sa UP - yup, walang kokontra. Hindi GE (general educ) subjects ha... as in Chemical Engineering subject. Oh yes, pardon my hangin pero I am prawd tu da maksimum lebelaysus. Kaya ko pala at yung mga komokontra, makibalitaktakan na lang ako sa mga students koitsch. Next sem magtuturo daw ako ulit (calling the attention ng mga ibabagsak kong pasaway hehehe) and other subject, hopefully Envi Engg naman. Sa mga gustong maka-uno, saturday ang schedule ng classes ko.
Nagpapakadakilang ina - kokontra si nanay hehehe. Pero yun na yun. Ano pa ba ang magagawa ko kung ang panganay ay magti-teen-ager na pero feeling binata na at yung kasunod ay 11 years old na pero feeling 8 years old pa din.
Healthy Mind, Awesome Body - ah hindi pa ito, matagal pa. Oki na muna ang healthy mind! Papa-appointment pa kay Dr. Vicki or sa mag-asawang Calayan, pwede din sa doctor of the stars, Dr. Mendez or kay Marie France hahaha. Wala pa andash to make the pa-effects pero happy with the heyr, the fez, the teeth and the ...
Lablayp, sekslayp, and other laybs - kailangan pa ba itanong itish. Wala ganun pa din. No further explanations needed. May friendster accounts na si Kyle at si Gaeb hahaha.
Wala talaga nangyayari. . . papunta-punta na lang sa Tagaytay Highlands para mag-ubos ng gasolina at laspagin ang Ford Everest ni Cynthia para bibili ulit ng kapalit this year (take note ha, binili ni Cynthia yan HINDI company car!). Patulog-tulog para hindi mapressure sa kabi-kabilang speaking engagements and invitation para sa lectures. Pahiga-higa para hindi mahilo kaka-compute ng pera sa bank (dahil wala talaga natitira hahaha!).
So sa nagtatanong... wala ako masyado ginagawa. At kahit madami man akong pinagkakaabalahan, I will still find time for you. Interested ka naman pala kung ano nangyayari sa akin, eh bakit nung nagkita tayo hindi ka makatingin sa akin?




























Recent Comments